Ibinahagi ko ang munting kaalaman ko sa paggamit ng   Fibonacci extensions sa Simple Trader Tsismisan Group.

Nais kong ibahagi sa inyo ang talakayan na ito sa blog na ito.

Ang fibo extension ay ginagamit kung lumampas sa 100% ang bagsak ng price from swing high to swing low.Pag lumampas dun, sa fibo extension tayo titingin sa possible bounce points. Here is an example .
chp

 

Sa halimbawa sa taas, ang CHP ay nag bounce sa 6.68. Pagkatapos nito mag bounce, nag new low ito. Gagamit tayo ng fibo para makita kung saan pwede mag bounce .
So mag simula tayo sa 6.68 ang 0% paakayat sa previous high na 12. 95 (100%) .

Ang level kung saan bumagsak ang 1.382 fibo ay ang unang posibleng  bounce point . Ngunit  kung masira yun, sa 1.618 tayo titingin.

Iyan (138.2 at 161.8) ang dalawang malakas na supports. Ang FIBO EXTENSION ay hindi lamang sa pagsukat kung saan pwede mag bounce. Pwede din ito gamitin para sukatin kung gaano kataas ang PRICE TARGET kung lumampas sa 100% ang retracement after a bounce .

Halimbawa ay ito

 

tugs2.jpg

 

Ito si TUGS. Ang high nya noong Feb 2017 ay 2.70 . Kung ikaw ay nag bounce play, at nakakuha ka sa reversal mula sa 1.48 low,  ang expectation mo ay hanggang .618 fibo lang ang bounce nya.  Subalit lumampas sa 100% ang retracement so gagamit ka ngayon ng fibo extension ulit pero paakyat naman ang guhit.  Sa ibaba ang 0 % kung saan nanggaling ang bounce at sa taas ang 100% sa previous high na 2.70. In the same way, ang 1.382 fibo , ang  1.618 fibo at ang whole numbers 2, 3, 4 ay siya ring malalakas na resistance sa pagbounce.  Pansinin ang mga arrows. Sa mga levels na yun nauntog ang mga price rallies . Bumaba  ang presyo at saka nag rally ulit .

Kung pababa palang ang presyo, matutukoy mo  kung saan mag ba bounce gamit ang Fibonacci. Ito ang sa PXP. Sa malakas na  Fibo support, sa .618 ito tumalbog.

fiboext

 

Kung gusto mo sukatin kung gaano kataas ang aabutin ng bounce,  ang gagamitin mo ay tinatawag na reverse fibo. Halimbawas ay nasa baba.

Maaring sukatin mula sa katawan ng kandila o mula sa buntot.  Kailangan lang na may consistency tayo na kung sa katawan susukat sa ibaba, sa katawan din ng kandila sa itaas. Kung sa bunto naman magmumula ang sukas sa ibaba, sa buntot din ang sukat sa itaas.

 

fiboreverse.jpg